News

15 kalahok sa Palihang Rogelio Sicat 6

prs6

Napili na ang 15 kalahok para sa ika-anim na Palihang Rogelio Sicat na gaganapin sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman sa Mayo 22-26, 2013.

Ang 15 mula sa 135 na lumahok ay sina:
(Dagli / Maikling Kuwento) Kevin Armingol, John Barrios (Aklanon), Genaro Gojo Cruz, Jowian Mariano, Jayson Ongose Paderon, at Abby Pariente;
(Sanaysay) Jonathan Vergara Geronimo, at Christina Angela Guevarra;
(Tula) Desiree L. Balota (Cebuano), Frances Kimberly Baraoidan, Dennis Espada, Emmanuel Halabaso, Michael Non, John Carlo I. Pacala, at Mark Rafal.

“Sa unang pagkakataon, nagbukas ang PRS para sa mga akdang orihinal na nasulat sa iba pang wika sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng salin sa Pambansang Wika, napag-uugnay ng PRS ang panitikan mula sa Luzon, Visayas at Mindanao,” ayon kay Dr. Jimmuel Naval, isa sa mga direktor ng PRS.

Pangungunahan ng Pambansang Alagad ng Sining Bienvenido Lumbera ang pagbubukas ng PRS6. Isa namang lektura hinggil sa panitikan sa rehiyon ang ibibigay ni Dr. Rosario Cruz Lucero.

Ang 15 kalahok ay sasanayin ng kaguruang binubuo nina Ricardo Lee at Luna Sicat para sa maikling kwento; Marne Kilates at Joey Baquiran para sa tula; Eugene Evasco at Elyrah Loyola Salanga Torralba para sa sanaysay; at Ed Maranan, Jess Santiago, at Psyche Mendoza para sa panitikan at iba pang larangan.

Ang mga direktor ng PRS6 ay pangungunahan ng tagapagtatag ng PRS na sina Dr. Naval, at Reuel Molina Aguila; kasama sina Dr. Sicat at Dr. Evasco.

Ang PRS ay nasa pagtataguyod ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Office for Initiatives in Culture and the Arts, at ng Office of the UP, Diliman Chancellor.

2 thoughts on “15 kalahok sa Palihang Rogelio Sicat 6

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s