News

LIRAHAN: KABAYANIHAN, KALAYAAN, KASARIAN sa Hunyo 17

061714

Inihahandog ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ang LIRAHAN: KABAYANIHAN, KALAYAAN, KASARIAN bilang pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan ng Filipinas (Hunyo 12, 1898), ika-153 anibersaryo ng kapanganakan ng ating Pambansang Bayaning si Jose Rizal (Hunyo 19, 1861), at LGBT Pride Month (Hunyo).

Samahan ang mga makata ng LIRA at mga kaibigan sa sining sa isa na namang gabi ng tula at musika sa Hunyo 17, 2014 (Martes), 7-9 ng gabi, Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Lungsod Quezon.

Kahit nakatuon ang pansin sa mga tula at akdang naisulat sa Filipino, ito ay bukas sa mga magbabasa sa Ingles at iba pang wika. Mag-iwan lang ng mensahe sa Event Page/Facebook/Twitter/E-mail and mga nais magbasa o magtanghal.

RSVP:
https://www.facebook.com/events/505949189507044

——————————————————-

Nagsimula noong 2008, ang LIRAHAN ay pagbabasa at pagtatanghal ng mga tula, musika, at iba pang sining tuwing ikatlong Martes ng buwan. Ito ay laging libre at bukas sa publiko.

Ang LIRA ay isang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (aka Rio Alma), nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di iilang batikang makata, tulad nina Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Jerry Gracio, at Edgar Calabia Samar. Noong 2011, kinilala ito bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito.

https://www.facebook.com/PalihangLIRA
https://twitter.com/makatangLIRA
palihanglira@gmail.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s